Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 177.41 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 177.41 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 177,416,270 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,352,185 cases.

Sumunod na rito ang India na may 29,633,105 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 17,543,853 naman ang kaso sa Brazil habang 5,744,589 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,342,028
– Russia – 5,236,593
– United Kingdom – 4,581,006
– Italy – 4,247,032
– Argentina – 4,172,742
– Colombia –  3,802,052
– Spain – 3,745,199
– Germany – 3,725,303
– Iran – 3,049,648

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,838,522 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 161,860,687 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...