Barangay captain, 3 pa patay sa pagsabog ng dinamita sa Masbate

Kabilang ang isang punong barangay sa apat na nasawi sa pagsabog ng dinamita sa Balud, Masbate kahapon ng hapon.

 

Kinilala ang apat na sina Lina Recto, ang punong barangay; Mac-Mac dela Cruz, Ronelyn Bulala at Aisa Sese.

 

Base sa ulat kay Bicol police director, Brig. Gen. Jonnel Estomo ala-1:15 nang maganap ang insidente sa bahay ni Recto sa Barangay Pajo at aniya halos hindi makilala ang mga nasawi dahil sa mga pinsalang tinamo sa kanilang katawan.

 

Samantala, kabilang naman sa pitong nasugatan ay dalawang bata at lahat sila ay dinala sa Balud Municipal Hospital.

 

Inaalam pa ang dahilan ng pagsabog at kung saan nagmula ang dinamita bagamat pinaniniwalaan na kabilang ito sa ginagamit sa ilegal na pangingisda.

Read more...