5 presidential candidates kumpirmado nang dadalo sa huling debate

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateHanda na ang Commission on Elections (Comelec) at mga media partner nito para sa ikatlo at huling pagkakataon “Pili-Pinas 2016 Presidential debate” na gaganapin sa Pangasinan.

Ayon kay Ging Reyes ng ABS-CBN integrated news and current affairs, nagkumpirma na ang limang presidentiables na dadalo sa gaganaping debate sa April 24.

Noong ikalawang debate kasi, hindi nakadalo si Senator Miriam Defensor-Santiago dahil sa kondisyon sa kaniyang kalusugan.

Sesentro ang ikatlong presidential debate sa isyu ng health, foreign policy, trapiko, trabaho, ofw, education at usapin ng kapayapaan sa Mindanao.

Bukod sa tanong ng publiko magkakaroon din ng pagkakataon ang mga presidentiable na direktang magtanong o gisahin ang mga katunggali nilang kandidato.

Kanina, humarap sa media briefing ang mga opisyal ng Comelec, ABS-CBN, KBP at Manila Bulletin para plantsahin ang magiging takbo ng debate na gaganapin sa open field ng Phinma University of Pangasinan sa Dagupan.

 

Read more...