Navotas City, hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City sa araw ng Martes, June 15.

Base sa tala ng Navotas City government, negatibo ang lumabas sa 49 resulta.

Sa kabuuan, nasa 84,403 na ang naisagawang swab test sa nasabing lungsod.

Tuluy-tuloy din ang pagbabakuna sa mga indibiduwal na kabilang sa A1 hanggang A4 priority list ng vaccination drive laban sa nakakahawang sakit.

Read more...