Higit sa sapat ang pondo na pambili ng mga bakuna – SP Sotto, Sen. Lacson

Naniniwala sina Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson na sobra pa sa sapat ang inilaan na pondo para pambili ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa dalawang senador ang pondo ay sapat na para maabot ang target na ‘herd immunity’ sa taong 2021.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole ukol sa vaccination rollout program ng gobyerno, sinabi ni Lacson at base na rin sa pag-amin ni Finance Sec. Carlos Dominguez III, sobra pa ng P5 bilyon ang nailaan na pondo.

“At P446 per dose including logistical costs, we will need P52.3 billion. We have already secured P57.3 billion through borrowings, so we have a surplus of P5 billion for herd immunity,” sabi ni Lacson.

Dagdag pa niya, “so money is not the problem here. Ang kailangan na lang dito maka-procure ng vaccines at may rollout.”

Sinang-ayunan naman ni Sotto ang obserbasyon na ito ni Lacson.

Read more...