BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 58,000; 5,389 ang bagong naitala

Mahigit 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (June 15), pumalo na sa 1,327,431 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 58,063 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 5,389 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.8 porsyento ang asymptomatic; 1.30 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 118 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 22,963 o 1.73 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,667 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,246,405 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...