Pinare-recalibrate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinabibigyang prayoridad ng Pangulo ang mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Nograles, makatatanggap ng mas maraming bakuna ang mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sinabi pa ni Nograles na ia-adjust ang vaccine deployment sa lalong madaling panahon lalo’t madami nang suplay ng bakuna.
Kabilang sa mga lugar na nasa MECQ mula June 16 hanggang June 30 ang:
- Santiago City
- Cagayan
- Apayao
- Ifugao
- Lucena City
- Bataan
- Puerto Princesa
- Naga City
- Iloilo City
- Iloilo
- Negros Oriental
- Zamboanga City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga del Norte
- Cagayan de Oro City
- Davao City
- Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands
MOST READ
LATEST STORIES