Babala sa mga biyahero na magpi-presenta ng pekeng COVID-19 test results.
Ito ay dahil sa ipaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nangloloko ng test result.
Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, sinabi nitong inatasan na niya ang Philippine National Police, Department of Tourism, at ang lahat ng local government units na agad na arestuhin ang mga nagpi-presente ng pekeng results lalo na ang mga nagtutungo sa mga tourist destination o mga lugar na pasyalan.
Inatasan din ng Pangulo ang mga nabanggit na ahensya ngbpamahalaan na mahigpit na ipatupad ang health protocols na inilatag kontra COVID-19 lalo na sa mga local tourism destination.
Babala ng Pangulo, tiyak na makokompromiso ang lakad ng isang indibidwal kung mahuhuli lamang dahil sa pekeng test result.
Sayang din lang ang gastos ayon sa Pangulo kung kaya mas makabubuting siguraduhin na orihinal ang test result.
Ayon sa Pangulo, nakatanggap na siya ng ulat na ilang turista na nagtutungo sa mga sikat na pasyalan gaya ng Boracay ang nagpi-presenta ng pekeng test result.
“Recently, ang gobyerno may nalaman — has allowed travel leisure from NCR Plus to areas under modified community quarantine. However, it has come to my attention that some travelers arriving in various parts of the country, most notably in Boracay are presenting fake COVID-19 tests,” pahayag ng Pangulo.
“Huwag ho ninyong gawin ‘yan at makokompromiso lang kayo. Hindi lang maano, pati ‘yong gastos ninyo. Kindly check at least twice over whether or not you have the genuine certificates,” dagdag ng Pangulo.
Payo ng Pangulo sa mga opisyal ng pamahalaan, huwag matakot at sampahan ng kaukulang kaso ang mga pasaway.
“I am also directing the Department of Tourism, the Philippine National Police, and all local government to arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance on protocols of local tourism. Do not be afraid to file sanctions,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang binuksan na sa mga turista mula sa NCR Plus ang Boracay.
Kabilang na rito ang mga galing sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Laguna, Rizal