Inaprubahan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang P7.5 milyong budget para sa accident insurance ng lahat ng barangay officials sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sakop sa accident insurance ang 45,700 na barangay officials na kinabibilangan ng:
— Punong Barangay
— Sangguniang Barangay Member
— Sangguniang Kabataan Chairperson
— Barangay Secretary
— Barangay Treasurer
— Miyembro ng Lupong Tagapamayapa
— Miyembro ng Barangay Tanod Brigade
“Sinosoga natin sila sa frontlines kaya kailangan ito. Matagal na naming pangarap ito para sa mga barangay officials,” pahayag ni Mayor Isko.
Base sa GSIS proposal, makatatanggap ng P150,000 na accidental death compensation ang isang barangay official at P15,000 medical reimbursement at P10,000 na burial assistance.