Umabot na sa 6.8 milyong katao ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa naturang bilang, mahigit limang milyon ang nabigyan ng first dose.
Aabot naman aniya sa 1.8 milyong katao ang fully vaccinated kabilang na ang 7,000 economic frontliners.
Base sa priority list ng pamahalaan, unang bibigyan ng bakuna ang medical frontliners, sunod ang senior citizens, persons with comorbidities at economic workers.
Sa pinakahuling talaan ng pamahalaan, aabot na sa 9.3 milyong doses ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Pinakahuling natanggap ng Pilipinas ang isang milyong doses ng Sinovac mula China, 2.2 milyong doses ng Pfizer at 100,000 doses ng Sputnik V mula sa Russia.
MOST READ
LATEST STORIES