Isa pang pulis, pumanaw dahil sa COVID-19

Nasa 164 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (June 14), 25,866 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,865 ang aktibo pang kaso.

89 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 23,930 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isa namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 71 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...