Malakanyang sa 1Sambayanan: Best of luck!

‘I wish them the best of luck.’

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa mga nominado ng 1Sambayanan para sa 2022 presidential elections.

Pambato ng 1Sambayan sa pagka-pangulo ng bansa sa susunod na halalan sina Vice President Leni Robredo, dating Senador Antonio Trillanes IV, Senador Grace Poe, CIBAC party-list Representative Eduardo Villanueva, Atty. Chel Diokno at Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mukhang mahihirapan ang 1Sambayanan dahil sa anim na nominado, isa-isang nagsi-atrasan ang mga ito at tanging sina Robredo at Trillanes na lamang ang natira.

Ayon kay Roque, walang ibang hinahangad ang Palasyo kung hindi ang best of luck sa oposisyon.

“Well, unang-una nga hindi talaga ako nag-react, kasi hindi ko alam kung sino ang tatanggap. But finally, after the weekend, eh dalawa lang naman po yata ang tumanggap – si VP Robredo at saka si dating Senador Sonny Trillanes. So I wish them the best of luck, pero mukhang mahirap talaga ang kawsa ng 1Sambayanan kasi karamihan ng kanilang ni-nominate ay tumanggi ng nominasyon,” pahayag ni Roque.

 

 

Read more...