Hindi pa napapanahon para isailalim sa modified general community quarantine ang National Capital Region Plus matapos ang June 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR Plus.
Sa ngayon, nasa general community quarantine with restrictions ang NCR Plus hanggang June 15.
Ayon kay Roque, mataas pa ang actual numbers o kaso ng COVID-19 at hindi pa ito bumababa gaya ng mga naitatala bago nakapasok sa bansa ang mga bagong variants.
Nasa 1,000 lang aniya ang naiatatalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa Metro Manila bago akapasok ang mga bagong variants pero sa ngayon nasa 6,000 hanggang 7,000 pa ang naitatala kada araw.
Magpupulong aniya ngayong araw ang Inter-Agency Task Force para pag-usapan ang bagong quarantine classifications sa bansa.
Ayon kay Roque, si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mag-aanunsyo ng bagong quarantine classifications.