P10 bilyon inilaan ng Maynila para sa pagtugon sa COVID-19

Manila PIO

Sampung  bilyong piso ang ilalaan na pondo ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagbuhay ng ekonomiya ng lungsod na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, tutugunan ng lokal na pamahalaan ang problema sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho sa susunod na anim na buwan.

Bubuhayin din aniya ng lokal na pamahalaan ang pagnenegosyo sa lungsod.

Ayon kay Mayor Isko, kasama sa paglalalaanan ng pondo ang problema sa pabahay, kalusugan, at kaligtasan ng bawat isa.

 

 

Read more...