Pagpapaluhod at pamamaril sa ulo, ikinuwento sa akin ni Duterte-Trillanes

Trillanes and Duterte“Hindi pwedeng maging presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte”.

Ito ang sinabi ni Vice Presidential Candidate, Senator Antonio Trillanes IV sa panayam ng Radyo Inquirer.

Kwento ni Trillanes, noong napapabalita pa lamang na tatakbo si Duterte bialng presidente, nagkaroon sila ng pulong, sa posibilidad na baka pwede silang mag-tandem.

Pero sa pulong na iyon, sinabi umano sa kaniya ni Duterte na hindi siya tatakbo, at ayon kay Trillanes, pinanghawakan niya ang pahayag na iyon ng alkalde.

“Last year, nakausap ko si Mayor Duterte, noong lumalabas ang balita na tatakbo siyang presidente. Simula’t sapul, nagsabi siya sa akin na diretsahan noon na hindi siya tatakbo talaga. At pinanghawakan ko ang sinabi niyang iyon,” ani Trillanes.

Dahil dito, nauwi na lang aniya sa casual na pag-uusap ang kanilang pulong noon.

Kabilang aniya sa mga ibinida sa kaniya ni Duterte ang pagpapaluhod at pamamaril niya sa ulo.

Ayon sa senador labis siyang nabahala sa kwentong iyon ni Durterte at naisip niyang kung totoong ginagawa niya iyon ay ‘may mali sa alkalde’.

“Looking back, naisip ko na mukhang hindi talaga (kami) pwedeng magsama (mag-tandem)
May kinuwento siya sa akin noon na medyo na-bother ako. Kinuwento niya noon na may mga pinaluhod siyang tao, binaril niya sa ulo, nagkalat pa daw utak,” dagdag pa ni Trillanes.

Ani Trillanes, hindi ordinaryo na ikwento lang ng casual ang Mafia style execution gaya ng ginawa ni Duterte.

Dagdag pa ng senador, matapos ang kanilang pag-uusap ni Duterte ng araw na iyon, naisip niyang hindi talaga pwedeng maging presidente ang alkalde.

 

Read more...