Adele, nanguna sa “Young Musicians 2016 rich list”

Dahil sa kadeleaniyang best-selling album na “25” lalo pang yumaman ang 27-anyos na singer na si Adele.

Sa Young Musician 2016 rich list ng Sunday Times newspaper, itinanghal si Adele na pinakamayan na young musician.

Dahil worldwide hit ang kaniyang album na ini-release noong November 2015, umabot na sa 85 million pounds ang yaman ni Adele dahilan para manguna siya sa pinakamayayamang musicians na ang edad ay mas mababa sa 30.

Noong nakaraang taon, nasa 30th place ng listahan si Adele.

Para naman sa musician’s rich list o mga musician na edad 30 pataas, si Paul McCartney muli ang nanguna sa ikalawang pagkakataon.

Ang dating Beatles member at kaniyang asawa na si Nancy Shevell ay mayroong combined fortune na 760 million pounds.

Tumaas pa ito ng 30 million kumpara sa yaman nila noong nakaraang taon.

 

Read more...