64 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng PNP

Nakapagtala ng panibagong 64 na kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police.

Ito ayon sa PNP Health Service ang dahilan kung bakit pumalo na sa kabuuang 25, 714 ang nagkakasakit ng COVID-19 sa PNP.

Mayroong kasalukuyang 1, 791 na aktibong kaso ng sakit.

Gumaling naman ang 112 kaya umakyat na ang bilang nito sa 23, 853.

Nananatili naman sa 70 ang nasawi.

Read more...