Chemical engineer at public servant Uno Lim, gumagawa ng sariling alcohol at facemasks para sa publiko

(Contributed photo)

Kakasimula pa lang ng COVID-19 lockdown noong isang taon, naging aktibo na ang chemical engineer at public servant na si Uno Lim sa pamimigay ng health essentials gaya ng alcohol, facemask at home quarantine guidelines para sa publiko.

Libre lang ang naturang anti-COVID kit.

Ayon kay Lim, malaki ang advantage ng kanyang pagiging isang Chemical Engineer dahil siya mismo ang nagtitimpla at nagpo-produce ng alcohol na ipinamimigay.

Kasama sa ginawa ni Lim ang facemasks.

Nabatid na nag-positibo na sa COVID-19 si Lim kung kaya ito ang naging dahilan para lalo pang pinaigting ang pagpapakalat ng tamang impormasyon kung paano isasagawa ng tama ang “14-Day Home Quarantine” na hindi rin masaydong nabibigyang-pansin.

Laman ng guidelines ay kung paano mag-monitor ng mga sintomas ng sakit, body temperature at oxygen saturation, first-aid medicines (mababasa kung para saan at ilang dosage ng gamot ang dapat inumin) at paalalang personal mula kay Lim.

Mainit naman itong tinaggap ng mga tao kaya’t umaasa si Lim na tuluyang nila itong susundin at tuluyan ding masugpo ang pagkalat ng virus.

Nais din ni Lim na maging inspirasyon at makatulong sa lahat ang kanyang adhikain sa pagsugpo ng COVID-19.

Read more...