Ideneklara ng World Health Organization at UNICEF na natuldukan na ang polio outbreak sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang resurgence ng polio may dalawang taon na ang nakararaan.
Ayon sa WHO at UNICEF, base sa ginawang assessment ng global polio eradication experts, tapos na ang polio outbreak na naitala noong Setyembre 2019.
Sinabi pa ng dalawang grupo na wala nang naitalang polio sa bansa sa nakalipas na 16 na buwan.
Ikinalugod naman ito ng Pilipinas.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, isang malaking panalo ito na bunga ng pagkakaisa ng lahat.
MOST READ
LATEST STORIES