Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang pagbubukas ng mgga historical sites at museums sa National Capital Region Plus.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na sumunod sa mga health at safety protocols na initinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Kinakailangan din aniya na aprubado ng local government units ang pagbubukas ng mga museums at historical sites.
Ayon kay Roque, 20% na venue capacity lamang ang pinapayagan ng IATF.
“Also allowed to open are historical sites and museums in the NCR Plus areas at 20% venue capacity following health and safety protocols and the approval of the local government unit where these sites may be situated,” pahayag ni Roque.
Ipinagbabawal naman ang guided tours sa mga historical sites at museums.
“Guided tours in these historical sites and museums, however, remain prohibited,” pahayag ni Roque.