Kaso ng pagkasawi ng magpinsang Absalon, hindi dapat ituring na sarado na – Rep. Fortun

Congress photo

Iginiit ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na hindi dapat ituring na sarado na ang kaso ng pagkasawi ng football player na si Kieth Absalon at pinsang nitong si Nolven.

Ito ay kahit na inako ng CPP-NPA ang responsibilidad sa krimen.

Sa halip, lalo pa aniya dapat ituloy ang imbestigasyon sa naturang kaso.

Dapat din aniyang masilip sa pagkamatay ng magpinsan dahil hinaing ng pamilya ng mga biktima, maliban sa pagsabog, nagtamo rin ng mga tama ng bala sa katawan ang dalawa.

Sinabi ng mambabatas na dapat magkasa ng follow-up operations ang Philippine National Police sa Bicol.

Bukod sa PNP, hinimok din ng kongresista ang National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) na makialam na rin sa imbestigasyon sa kaso.

Ani Fortun, kakailangan ang expertise ng NBI upang tiyak na tama at matibay ang mga maisasampang kaso.

Read more...