Mariing kinondena ni Vice President Leni Robredo ang landmine blast sa Masbate City na naging sanhi ng pagkasawi ng dalawang sibilyan.
Nagbibisikleta ang football player na si Keith Absalon at kaniyang pinsan na si Nolven Absalon sa bahagi ng Barangay Anas nang mangyari ang pagsabog.
“Hindi ito makatao. No goal or ideology can justify the use of such devices,” pahayag ni Robredo.
Iginiit ni Robredo na ang naturang insidente ay paglabag sa batas.
“Paglabag ito sa batas, sa karapatang pantao, sa mga patakaran ng pakikidigma, at sa mismong pag-unawa natin sa mga hangganan ng kayang gawin ng tao sa kaniyang kapwa,” ani Robredo.
Dagdag nito, “Hindi ito pakikibaka, labas ito sa usapin ng paghahangad nating matigil ang hidwaan. Landmines are murder.”
Nagparating din ng pakikiramay si Robredo sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.