Nawawalang $17-M, hawak ng sinumang nagsisinungaling- Sen. Guingona

 

Mula sa inquirer.net

Kung sino man ang nagsisinungaling, ay siyang may hawak ng nawawalang pera.

Ito ang pinaniniwalaan ni Senate blue ribbon committee chairman Teofisto “TG” Guingona III, matapos ang anim nilang mga pagdinig kaugnay sa ninakaw na $81 million mula sa Bangladesh central bank.

Ayon kay Guingona, sa mga nagdaang pagdinig, umiikot lang naman ang storya sa dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito kasama na ang kaniyang deputy na si Angela Torres, Philrem Service Corp., at sa casino junket operator na si Kim Wong.

Nang tanungin ng Inquirer, sinabi ni Guingona na hindi pa ngayon ang tamang oras para magbigay ng konklusyon, ngunit sa puntong ito, may iba’t ibang antas ng kredibilidad ang mga nasasangkot.

Para sa kaniya, si Kim Wong ang may pinakamataas na kredibilidad, habang ang Philrem naman ay bagsak at halos walang kredibilidad.

Kaugnay nito, hinimok niya ang Philrem na pag-aari ng mag-asawang Salud at Michael Bautista, na magsabi na ng totoo tungkol sa kinasasangkutang money laundering scam.

Karamihan kasi sa mga sinasabi ng mga Bautista ani Guingona, ay hindi kapani-paniwala.

Ayon pa kay Guingona, ang pag-amin lamang ni Deguito sa pinakahuling pagdinig na nag-sinungaling siya ay isa nang malaking pag-usad sa imbestigasyon.

Read more...