Proseso ng pagsosoli ng pera ng Bangladesh, sisimulan na ng korte

 

Lyn Rillon/Inquirer

Sinimulan na ang proseso ng pagsasauli ng bahagi ng perang natangay ng mga cyber hackers sa Bangladesh Central Bank.

Gayunman, posibleng matagalan pa ang naturang proseso dahil idadaan pa sa kaukulang mga pagdinig sa hukuman bago ito pormal na maisoli sa pamahalaan ng Bangladesh.

Sa May 2, nakatakdang magsagawa ng summary hearing si Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court sa usapin ng asset preservation.

May kinalaman ito sa naunang April 18 petition for civil forfeiture at asset preservation order laban kay Kam Sin Wong o Kim Wong, East Hawaii Leisure Co., Centurytex Trading, RCBC at Philippine National Bank.

Sa ilalim ng petisyon, nais ng Anti-Money Laundering Council na ilagay sa asset preservation ang mga perang nakapangalan sa mga naturang indibidwal at kumpanya upang hindi na mailipat o magalaw pa ang mga kuwestyunableng pondo na nakuha mula sa cyberhacking.

Kabilang sa mga ‘frozen accounts’ ang halagang P4,461,945.53 na nasa PNB sa ilalim ng pangalan ni Kim Wong.

Kasama rin dito ang halagang P5,741,276.84 sa PNB sa ilalim ng account ng Eastern Hawaii Leisure at P19,983.63 sa RCBC sa ilalim naman ng r Centurytex Trading.

Una nang nagsoli ng pera si Wong na nasa pangangalaga ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Itinuro nito ang dalawa pang Chinese na sin Gao Shuhua at Ding Zhize na may kinalaman sa pagpasok ng 81 million dollar nap era ng Bangladesh sa bansa.

Read more...