Pangungulelat niya sa mga surveys, ikinalungkot ni Sen. Santiago

 

Inquirer file photo

Kaduda-duda para kay presidential candidate Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pangungulelat niya sa mga commercial surveys tulad ng mga isinasagawa ng Pulse Asia, SWS at Laylo.

Aminado si Santiago na dismayado siya sa mga resultang ito dahil sa tuwing ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga unibersidad ang tinatanong, lagi siyang nangunguna.

Patuloy kasing nasa ika-limang pwesto si Santiago sa mga isinasagawang survey lalo na ng SWS at Pulse Asia kung saan ang nangunguna naman ngayon ay si Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi rin nakalusot ang kaniyang mga kalaban sa pambabatikos, dahil hindi aniya patas na ang mga kapwa niya tumatakbo sa pagka-pangulo ay may mga advertisements na bago pa man magsimula ang campaign period.

Madalas na nangunguna sa mga campus surveys si Santiago, tulad na lang sa University of the Philippines-Diliman kung saan 57 percent ng boto ng 710 respondents ang napunta sa kaniya.

Una nang ikinatwiran ni Santiago na kaya siya laging nangungulelat sa mga presidential surveys ay dahil hindi naman isinasama ang kaniyang pangalan sa mga questionnaires, at mismong mga supporters niya ang nagsumbong sa kaniya nito.

Read more...