Election furlough, hirit ni CGMA sa SC

 

Inquirer file photo

Humirit ng furlough sa Korte Suprema si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo para siya ay makaboto sa darating na halalan sa Lubao, Pampanga.

Isinumite ng kaniyang mga abogado sa Korte Suprema ang mosyon na humihingi ng permiso na panandaliang makaalis sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Nais gamitin ng dating pangulo ang kaniyang karapatang bumoto sa kabila ng pagsasa-ilalim sa kaniya sa hospital arrest sa VMMC.

May karapatan pa rin si Arroyo na bumoto dahil hindi pa naman ito iniaalis mula sa kaniya.

Matatandaang naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa kinakaharap nitong kasong plunder sa Sandiganbayan.

Read more...