Si skateboarder Margielyn Didal ang pang-10 atletang Filipino na sasabak sa Tokyo 2020 Olympics sa Japan sa darating na Hulyo.
Ang paglaban sa Olympics ni Didal ay inanunsiyo ng World Skate at nakasama siya sa top 20 skateboarders na lalaban sa women’s street event.
Magugunita na nabigo si Didal na makakuha ng Olympic slot sa ginanap na 2021 World Street Skateboarding Championships sa Rome, Italy.
Ngunit dahil sa kanyang posisyon sa world ranking sa women’s street event ay nakakuha siya ng puwesto.
Ang 21-anyos na tubong Cebu ay pang-13 sa world ranking sa women street event.
Noong 2018 Asian Championship ay nakasungkit ng gintong medalya si Didal sa kanyang kategorya.
MOST READ
LATEST STORIES