US sa China: ‘Huwag i-militarize ang South China Sea’

 

Mula sa inquirer.net/AFP

Muling iginiit ng Amerika sa China na ulitin nito ang pangakong hindi magpapadala ng mga military aircraft sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito’y sa kabila ng pagpapadala kamakailan ng China ng isang military plane sa isang isla na pinag-aagawan sa naturang rehiyon upang sunduin ang ilang mga maysakit nitong manggagawa.

Ayon kay US Secretary of State John Kirby, isang malaking katanungan para sa kanila kung bakit isang military plane pa ang ginamit ng Beijing sa evacuation.

Nangangahulugan lamang aniya ito na ang mga ginagawang proyekto sa mga struktura sa mga disputed islands ay may ‘military nature’.

Kasabay din nito, muling inulit ng Estados Unidos ang kanilang panawagan sa China at iba pang claimant countries na iwasang gumawa ng anumang hakbang na magpapabago sa ‘status quo’ sa South China o West Philippines Sea.

Read more...