Sara Duterte – Digong Duterte team-up sa 2022 elections tinuldukan na ng Malakanyang

Maaring kumandidato sa pagka-bise president ng bansa sa 2022 elections si Pangulong Duterte kung ang kanyang magiging ka-tandem ay si Senator Christopher Go.

Ito ang sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque kayat aniya malabo na ang Sara Duterte – Rodrigo Duterte tandem sa darating na eleksyon.

“Kung tatakbo po si Mayor Inday Sara, sigurado po ako hindi siya tatakbo ng vice president, pero kung hindi po tatakbo si Mayor Inday Sara ay palagi naman po niyang sinasabi na at sinabi na rin po ni Sen. Bong Go na kapag hindi tatakbo si Mayor Inday Sara pupuwedeng tumakbo siya pero tatakbo lang siya kung katambalan niya si Presidente Rodrigo Roa Duterte,” sabi pa ni Roque.

Kapwa naman nagsabi na sina Mayor Duterte at Go na wala silang balak na maging pangulo ng bansa bagamat marami pa rin ang pumipilit sa kanila.

Sa ngayon, sabi pa ni Roque ay bahala na ang sambayanan sa kani-kanilang ispekulasyon kaugnay sa balak ni Pangulong Duterte sa susunod na taon.

Read more...