Target na ‘herd immunity’ sa laban COVID 19 abot-kamay pa – Malakanyang

Kumpiyansa pa rin ang Malakanyang na maaabot pa rin ang ‘herd immunity’ sa bansa sa kabila nang mabagal na pagdating ng COVID 19 vaccines.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque naiintindihan nila ang pagkadismaya ng ilang mga lokal na opisyal ukol sa kakulangan ng suplay ng mga bakuna.

Pagtitiyak pa ni Roque, pansamantala lang ang mabagal na pagdating ng COVID 19 vaccines sa Pilipinas.

Paliwanag niya kinakailangan ang certificate of analysis sa mga bakuna para matiyak na magkakatulad pa rin ang kalidad ng mga ito.

“I understand the frustration of Mayor Isko, it is in fact a frustration of everyone that we just want to rollout the vaccines. But I think the temporary shortage, it’s temporary, because the supply is in, we can’t just use it without the certificate of analysis, ‘no is temporary, ” pahayag ni Roque patungkol sa mga nasabi ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

Read more...