Calayan Island, nakapagtala ng dalawang kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng kauna-unahang local transmission ng COVID-19 sa bayan ng Calayan sa Cagayan.

Kinumpirma ni Mayor Joseph Llopis na naitala ang COVID-19 positive cases sa araw ng Martes, June 8.

Ayon sa alkalde, nagpositibo ang isang SB member sa nasabing bayan matapos mahawa sa isang bisita na galing sa ahensya ng gobyerno.

Nakaranas ito ng lagnat at nang sumailalim sa antigen test, lumabas na positibo ito sa COVID-19. Nahawa rin ang kanyang anak nito.

Ani Llopis, naka-isolate na ang lahat ng primary hanggang tertiary contacts ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Tiniyak nito na nakahanda ang dalawang isolation facility ng Calayan sakaling madagdagan ang kaso ng COVID-19 sa naturang bayan.

Sa ngayon, umabot na sa anim ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Calayan.

Read more...