Naitalang COVID-19 deaths sa hanay ng PNP, umabot na sa 70

Nasa 126 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (June 9), 25,190 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,756 ang aktibo pang kaso.

113 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 23,364 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

May isa namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 70 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...