Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 174.75 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 174.75 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 174,751,298 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,242,866 cases.

Sumunod na rito ang India na may 29,089,069 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 17,038,260 naman ang kaso sa Brazil habang 5,719,937 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,300,236
– Russia – 5,145,843
– United Kingdom – 4,528,442
– Italy – 4,235,592
– Argentina – 4,008,771
– Germany –  3,712,595
– Spain – 3,711,027
– Colombia – 3,611,602

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,762,901 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 158,467,375 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...