Pinabibilisan na ni Senator Risa Hontiveros sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang pamamahagi ng tulong gamit ang pondo na nailaan sa Bayanihan 2.
Dismayado ang senadora sa mabagal na paggasta ng pondo, na nag-expire na noong nakaraang Disyembre 19 at napalawig na lang hanggang sa darating na Hunyo 31.
Ayon kay Hontiveros, wala pang linaw kung magkakaroon ng special session ang Kongreso para muling mapalawig ang bisa ng pondo.
“Pera na naging bato pa, ilang araw na lang at mag-eexpire na ulit ang pondo pero sa sobrang bagal ng paggasta, dalawang beses nang nabigyan ng chance,” diin nito.
Hinahanap din ng senadora ang sinasabing nawawalang ulat ukol sa pondo para sa mas mabilis na pagdedesisyon sa paggasta, maging sa magiging deliberasyon para sa ilalaan na pambansang pondo sa susunod na taon.
Puna nito, maging ang ulat ng Department of Budget ay kulang-kulang at wala rin paliwanag at paglilinaw sa hindi pag-usad ng mga napondohan na programa kasabay nang pagharap ng bansa sa pandemya.