Sec. Harry Roque kakasa sa ‘senatorial race’ kung sasali sa ‘presidential derby’ si Mayor Sara Duterte

 

Matapos mabigo noong 2016, handa na muling sumabak sa senatorial election sa susunod na taon si Presidential spokesman Harry Roque.

Ngunit paglilinaw ni Roque ang pagkandidato niya sa pagka-senador ay mangyayari lang sa tiket ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Nangangahulugan aniya na sa administration senatorial slate siya sasali.

Subalit sinabi na rin nito na sa kanyang pagkakaalam ay walang balak si Duterte na manahin ang posisyon na hawak ngayon ng kanyang ama.

Bagamat pag-amin niya ipinagdarasal niya na magbago ang isip ni Duterte.

Una na rin sinabi ni Pangulong Duterte na sa kanyang palagay ay hindi kakayanin ng isang babae ang posisyon ng pinakamataas na opisyal ng gobyerno.

Read more...