Pangulong Duterte hindi pa kumbinsido na saluhin ang posisyon ni VP Leni Robredo sa 2022

Hindi pa kinakagat ni Pangulong Duterte ang pangungumbinsi ng kanyang mga kapartido sa PDP Laban na tumakbo ito sa pagka-bise presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon sa Pangulo ang mas iniisip niya sa ngayon ay magretiro na sa politika sa pagbaba niya sa puwesto sa susunod na taon at magbalik na lang sa Davao City.

Dagdag pa nito, iniiwasan din niya na piliin ang nais niyang sumalo sa kanyang posisyon dahil ayaw niyang masumbatan na nagpapakasasa lang siya sa kapangyarihan kapag nanalo ang kanyang ‘manok.’

Sabi pa niya na sa ngayon ay wala pa siyang nakikitang personalidad na maaring sumunod sa kanya.

Binanggit pa nito na sa mga pumopormang ‘presidentiables’ ngayon ay wala pa siyang natitipuhan na akma sa iiwan niyang posisyon.

Read more...