Sen. Sonny Angara tiwala na lulusot ang panukala para sa 25% tax exemption ng private schools

Kumpiyansa si Senator Sonny Angara na agad makakalusot ang kanyang panukala na magbibigay ng exemption sa private schools sa 25% corporate income tax na idineklara ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ay kasunod nang pagdami ng mga senador na sumusuporta sa inihain niyang Senate Bill 2272.

“How can you not support a measure that is fair and just and corrects an injustice to private schools,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Finance.

Paliwanag niya higit kalahating siglo nang binibigyan ng 10% preferential tax rate ang mga pribadong eskuwelahan kayat nakakapagtaka na sa naging interpretasyon ng BIR sa CREATE Law ay papatawan ang mga ito ng 25 porsiyentong buwis.

Dagdag pa ni Angara, layon ng bagong batas na mabawasan ang  buwis na binabayaran ng mga pribadong korporasyon.

Pangamba nito kapag nasunod ang nais ng BIR, libo-libo pang Filipino ang madadagdag sa milyon-milyon ng walang trabaho sa bansa.

Hiniling na nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Joel Villanueva, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, at Richard Gordon na maging co-authors ng panukala ni Angara.

Read more...