Pangulong Duterte sinabing mababaw pa ang kaalaman ni Sen. Manny Pacquiao

Pinayuhan ni Pangulong Duterte si Senator Manny Pacquiao na pag-aralan muna ang isyu bago ito magbigay ng komento.

Reaksyon ito ng Punong Ehekutibo sa sinasabing pagpuna ni Pacquiao sa posisyon ng gobyerno sa pakikipag-agawan ng bahagi ng West Philippine Sea sa China.

“It’s about foreign policy. I would not want to degrade him but next time he should, mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Pangulong Duterte mababaw pa ang kaalaman ng kaalyadong senador.

Unang sinabi ni Pacquiao na nalalambutan siya sa posisyon ng Malakanyang sa isyu sa West Philippine Sea kumpara sa mga naipangako ni Pangulong Duterte noong ito ay nangangampaniya pa noong 2016.

Partikular pa nitong binanggit ang sinabi ni Pangulong Duterte na mag-jet ski siya sa Spratlys at itatanim ang bandera ng Pilipinas.

Ang sinabi na ito ni Pacquiao ay hindi nagustuhan diumano ng ilan nilang kapartido sa PDP – Laban.

 

 

Read more...