DFA nagbabala vs passport appointment at document authentication scams sa social media

Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na magagawa lamang ang consular services sa pamamagitan ng official appointment systems ng kagarawan.

Ito ang link para sa passport applications: www.passport.gov.ph/appointment habang ito naman ang link para sa apostille applications: https://co.dfaapostiIle.ph.

Sinabi ng kagawaran na ang mga senior citizen, person with disabilities, overseas Filipino worker (OFW) at iba pang kwalipikadong indibiduwal ay maaring makapag-set ng appointment gamit ang courtesy lane facility sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa oca.cI@dfa.gov.ph o sa email address ng pinakamalapit na consular office.

Tiniyak ng DFA na pinagsusumikapan nilang makapagbukas ng karagdagang appointment slots nang hindi nakokompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng publiko at kanilang mga tauhan.

Paalala pa ng kagawaran, hindi nila ginagamit ang Facebook o anumang social media network upang mag-alok o magkumpirma ng passport application appointments.

Hindi rin anila binibigyan ng awtorisasyon ang anumang kumpanya o indibiduwal para mag-alok o tumanggap ng passport appointment scheduling.

Sinumang makatanggap ng serbisyo sa mga hindi awtorisadong pribadong grupo o indibiduwal gamit ang social media accounts at networks ay maaring hindi makakuha ng tunay na appointment o makaranas ng problema sa kanilang aplikasyon, maliban pa sa dagdag na gastos.

Inabisuhan ng DFA ang publiko na huwag pansinin ang mga alok mula sa mga kumpanya o indibiduwal at gamitin lamang ang opisyal na passport appointment system ng kagawaran.

Narito ang mga opisyal na account ng DFA:

Official DFA Websites:
https://dfa.gov.ph, https://consular.dfa.gov.ph/, and https://ofwhelp.dfa.gov.ph

Official DFA FB Accounts:
https://www.facebook.com/dfaphl and https://www.facebook.com/OFWHelpPH

Official DFA Twitter Account: https://twitter.com/dfaphl

Official DFA IG Account:
https://instagram.com/dfaphl

Read more...