Inanunisyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na bubuksan na ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) mula sa SCTEX/TPLEX sa Tarlac City hanggang sa intersection ng Aliaga-Guimba Road sa Aliaga, Nueva Ecija sa buwan ng Hulyo.
Kumpiyansa ang kalihim na magiging epektibong alternatibong ruta ang unang 18-kilometer segment ng CLLEX sa mga motorista na patungong Nueva Ecija.
Sinabi ni Villar na ang contract packages 1 at 2 na sakop ang Tarlac Section at Rio Chico River Bridge Section ay nakumpleto na habang ang konstruksyon ng contract package 3 – Aliaga Section ay 87 porsyento nang tapos.
Nag-inspeksyon si Villar sa naturang proyekto, kasama sina Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain at Region 3 Director Roseller Tolentino, araw ng Martes (June 8).
Sa ngayon, sinabi ng kagawaran na nasa 94 porsyento ang overall accomplishment ng naturang proyekto.
“We are hopeful that we will finally secure full site possession of the remaining required ROW to allow our construction activities to go on full throttle,” pahayag ni Sadain.
Ang mas maraming available na ROW at maayos na lagay ng panahon naman ang makakatulong upang mapabilis ang Contract Package 4 – Cabanatuan Section na 88 porsyento nang kumpleto.
Samantala, nasa 26 porsyento na ang progreso ng Zaragoza Interchange Section sa ilalim ng Contract Package 5.
Oras na makumpleto ang, mapapaiksi ng 30-kilometer CLLEX ang kadalasang travel time na 70 minuto sa pagitan ng Tarlac City at Cabanatuan City sa 20 minuto.
Ang naturang bagong expressway ay magsisilbi ring east-west link para sa expressway network ng Central Luzon upang maging maluwag ang daloy ng trapiko.