BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 56,000; 4,777 ang nadagdag

Mahigit 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (June 8), pumalo na sa 1,280,773 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 56,452 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,777 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.5 porsyento ang asymptomatic; 1.19 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 95 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 22,064 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,122 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,202,257 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...