Paggamit ni Kris Aquino ng AFP chopper para sa kampanya, binatikos

Kris Aquino chopper
Photo from Municipality of Dalaguete’s FB page

Mariing binatikos ng Kabataan Partylist ang paggamit ng kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino na si Kris Aquino ng helicopter ng Armed Forces of the Philippines para sa campaign sorties ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Sa mga larawan na viral ngayon sa social media, makikita si Kris Aquino na nakusot ng kulay dilaw na tila kabababa lamang mula sa AFP chopper.

Ayon kay Rep. Terry Ridon, ebidensya ang mga litrato na kung paanong nagagamit ng LP ang makinarya ng gobyerno para mapalakas ang kampanya ng manok ng Pangulo.

Para pa kay Ridon, mas matindi pa ito kaysa sa mga insensitibong pahayag ng ibang Presidential candidates.

Dagdag pa ng Kongresista, hindi kailangan ng bansa ang isang insensitibong lider, gaya ni Roxas.

Ani Ridon, dapat mabalaan ang publiko na panay kabaligtaran sa Daang Matuwid ang ginagawa ng liderato.

Una nang nangako ang kapatid ni Pnoy na aktibong mangangampanya para kina Roxas at Vice Presidential candidate Leni Robredo.

Read more...