Naghain si Reyes ng mosyon sa Sandiganbayan 3rd division na humihiling na suspendehin o kanselahin ang mga nakatakdang pre-trial conference at petsa ng paglilitis sa kanyang kasong plunder at graft.
Nakasaad sa mosyon, ito’y para makahabol umano ang kampo ni Senador Juan Ponce Enrile sa pre-trial at inisyal na bahagi ng trial proper ng kanilang kaso.
Matatandaang ang partisipasyon ng kampo ni Enrile sa proceedings sa 3rd division ay nahinto nang humirit siya sa Korte Suprema para sa bill of particulars ng kanyang asunto.
Paliwanag pa ng panig ni Reyes, mas mabuting hintaying maka-catch up ang kampo ni Enrile upang hindi na ulitin ang proseso at hindi maaksaya ang panahon ng korte.
Binigyan naman ng 3rd division ng tatlong araw ang prosekusyon para magkomento sa mosyon ni Reyes.
Una nang natigil ang proseso sa kaso ni Reyes dahil kinailangang ayusin ang pagkakamali sa markings ng prosekusyon sa mga ebidensiya.