Tumaas pa ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Abril kumpara noong Marso 2021.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 4.14 milyon ang nawalan ng trabaho noong Abril. Mas mataas ito sa 3.44 milyon na naitala noong Abril.
Ayon sa PSA, naitala ang bilang ng mga nawalan ng trabaho nang ipatupad ng pamahalaan ang enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine noong Abril sa National Capital Region Plus o Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Nabatid na ang unemployment rate na naitala noong Abril ang ikalawang pinakamataas na record ng mga nawalan ng trabaho mula noong Hulyo 2020 na nakapagtala ng 15.8 percent ng unemployment rate.
MOST READ
LATEST STORIES