Sinimulan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga nasa A4 priority list o ang mga essential workers.
Sa abiso ni Manila Mayor Isko Moreno, gagawin ang pagbabakuna sa apat na malls sa Maynila.
Kabilang na ang pagbabakuna ng 750 doses sa SM Manila, 750 doses sa SM San Lazaro, 750 doses sa Robinsons Place Manila at 750 doses sa Lucky Chinatown.
Ayon kay Mayor Isko, kinakailangan lamang dalhin ang valid ID at QR code of verification ng schedule ng pagpapabakuna.
Ito ang first dose para sa mga nasa A4 priority list.
MOST READ
LATEST STORIES