Ngayon araw ay inaasahan na magpupunta si Justice Undersecretary Deo Marco sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City para personal na alamin ang detalye sa pagtakas ng isang preso noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Marco na humingi na siya ng ulat hinggil sa insidente maging sa gulo na kinasasangkutan ng apat na preso.
Kinilala ang ang nasawing preso na isang Edgardo Austria, na nakakulong sa Minimum Security Compound
Diumano sinamantala ni Austria para tumakas ang pagsasagawa ng search operation ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa mga selda sa loob ng maximum at medium security compounds.
Unang nakarating kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang nangyaring kaguluhan na nagresulta sa pagkamatay ng isang preso.
Aniya humingi na siya ng detalyadong ulat ng insidente para na rin malaman kung may naging kapabayaan sa bahagi ng mga opisyal at tauhan ng Bucor.
Ang dalawang insidente ay nangyari noong Hunyo 1, araw ng Martes.