Ang salary increase ay ipatutupad sa ilalim ng Executive Order 201 na nagtatakda ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa average na 27-percent.
Si Associate Justice Jose Perez ang nag-anunsyo sa naging pasya ng Supreme Court En Banc sa National Convention ng Philippine Association of Court Employees sa Lungsod ng Baguio.
Pero wala pang detalye kung magkano ang unang bahagi ng salary increase na inaprubahan ng mga mahistrado ng Kataas taasang Hukuman.
Noong Lunes, nagsagawa ng Black Monday Protest ang mga kawani ng Korte Suprema, Court of Appeals at Sandiganbayan sa kanilang flag ceremony para kalampagin ang SC En Banc sa umano’y naantala nilang umento sa sahod.