Ito na ang pangalawang lindol na nagpayanig sa Ecuador ilang araw lamang ang nakalilipas simula nang tumama ang 7.8 magnitude noong Sabado na ikinasawi ng mahigit 500 katao.
Batay sa report ng Pacific Tsunami Warning Center, may lalim na 10 km ang naturang pinakabagong lindol na tumama sa 70 km o 44 miles ng Esmeraldas town.
Naramdaman ang dalawang malakas na pagyanig na tumagal ng 30 segundo sa Cojimies.
Ngunit hindi naman ito naramdaman sa Quito capital kung saan napaulat na tumama ang unang lindol na 7.8 magnitude noong Sabado.
Bagaman walang naiulat na tsunami warning, nakapagtala naman ito ng ilang serye ng after shocks ayon sa Geophysical Institute ng Ecuador.
Dahil sa unang malakas na lindol na tumama sa Ecuador noong Sabado, umabot sa 525 ang namatay habang mahigit isanlibo ang patuloy na pinaghahanap.
Daang-daan bahay naman at ilang kalsada ang nasira dahil sa naturang lindol.