Mga bilanggo hindi maaaring bumoto sa mga lokal na kandidato

philippine-prisonTanging ang mga kandidato lamang na tumatakbo sa national positions ang maaaring iboto ng mga bilanggo sa buong bansa sa darating na May 9 elections.

Sa press briefing ng Supreme Court sa Baguio City, sinabi ni Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Kataas-taasang Hukuman, na nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang SC na pumipigil na makaboto ang mga bilanggo sa mga lokal na kandidato.

Inihalimbawa kasi ni Te ang mga bilanggo sa National Bilibid Prison kung saan nanggaling ang mga ito sa iba’t ibang probinsya.

Una rito, naghain ng petisyon ang isang Atty. Victor Aguinaldo na kumukwestyon at umaapelang ipawalang bisa ang kautusan ng Commission on Elections na hayaang makaboto ang mga bilanggo sa anumang posisyon sa darating na halalan kabilang na si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Hindi raw kasi malinaw sa kautusan ng Comelec kung maaaring makaboto ang mga bilanggo sa parehong national at local elections.

Inihalimbawa kasi ni Aguinaldo ang kaso nina Arroyo, Senators Jinggoy Estrada, Ramon “Bong” Revilla Jr na nakadetine sa lugar na hindi nila place of residence.

Read more...