Mga turista mula NCR, dumagsa sa Boracay

Malay Tourism Office Facebook photo

Dumagsa sa Boracay Island ang mga turista mula sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kasunod ng pagbubukas ng sikat na tourist destination sa NCR plus bubble, kabilang ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ noong June 1.

Sa datos ng Malay Tourism Office, umabot sa 2,905 ang kabuuang bilang ng turista na bumisita sa Boracay mula June 1 hanggang 6.

Sa nasabing bilang, 1,760 turista ay mula sa NCR, sumunod ang 552 sa CALABARZON habang 230 sa Central Luzon.

Bukas ang Boracay sa mga turistang manggagaling sa NCR plus hanggang June 15 o hanggang sa manatili sa GCQ.

Kapag muling itinaas ang NCR plus bubble sa MECQ, sinabi ng Malay Tourism Office na ihihinto muna ang pagtanggap ng mga turista sa nasabing lugar.

Malay Tourism Office photo
Malay Tourism Office photo

Read more...